bc

Probinsyana [Proven Sya Na] - VBS Series I Completed

book_age18+
2.8K
FOLLOW
30.3K
READ
dark
opposites attract
second chance
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
gxg
bisexual
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Mayumi "Yumi" Tan was having a hard time accepting the Province Girl, Danica "Dani" Lopez who's also attending a prestigious and for rich boy/girl boarding school, Victoria Boarding School. She doesn't like the idea that a merely poor girl like Dani, will have to attend a prestigious and elegant school like VBS.

Much more hatred flared up when the girl easily adjusted to the students and surroundings of VBS. Everybody adores her, even the teachers because as they've said she's very kind and friendly.

But Yumi doesn't see her like that. For her, Danica is one of the trying hard b***h who just wants fame through mingling with rich kids. But as an adage says; Don't judge a book by its cover, judge it by its content.

How far will Yumi's hatred go?

+++

A gxg story. Written in Filipino-English. Keep the love y'all, not the hate... Please share, vote and comment? Yeah. Thanks! :)

Book 1 of Victoria Boarding School Series.

Book II is posted now. Title is Dalagita. :)

Book III is titled Gabriela Silang. :)

chap-preview
Free preview
CH. 1: VICTORIA BOARDING SCHOOL
WELCOME TO VICTORIA BOARDING SCHOOL FOR BOYS AND GIRLS. SECONDARY level of Education lang ang offer sa school na 'to but this is the most popular, prestigious, competitive and number one school in the country. At ang High School na credited all over the world. If other schools will know you're from VBS, they will totally look up on you and be treated higher than anyone because hindi basta-basta ang mga estudyante dito. Mayayaman at matatalinong mga bata lang ang nakakapasok sa school na 'to. Grabe ba makadiscriminate? Pero sorry, that's the truth. At masakit talaga ang katotohanan. Between the poor and the rich, there's really a thick line. Magkaiba ang school for boys and girls. One kilometer ang layo ng mga ito. Two hectares per era at medyo twin building ang structures ng mga building. Except sa color motiff ng buildings which represent their color codes at blazers. Dark Blue for boys, Maroon for girls. High technology rin ang facilities ng rooms and laboratory. Dormitories are apartment style. May restaurant din sa loob, na kung sa ordinary school ay tinatawag na canteen. Malaking gymnasium for PE purposes. Gym has, -Basketball Court -Volleyball Court -Swimming Pool -Fencing room -Judo/Karate/Arnis room -at marami pang iba. The school was like a mini city. May mga pang leisure time din na mga rooms. Like the gaming room and etcera. Except lang sa bawal syempre ang liquors, droga at bisyo sa loob. At kung meron mang lumalabag sa rules, hindi makakalusot sa quarterly medical check-up. Ang headmasters at headmistress ng dalawang school ay ang mag-asawang Brad at Angelina Pittsburgh. (waah wala akong ibang maisip na name. XD) So, you can say na may harmony sa two schools kasi mag-asawa ang namamahala. But sometimes, teens are always going to be teens. Marami silang mga hindi makontrol na mga pangyayari at mga gawi ng mga ito. And mostly, rich kids are brats and spoiled. But of course, they have no choice but to deal with them. Pati parents din pala nila. You know rich folks, karamihan, they always insist what they really want. Well, that's how it is. This is how the world works though. But despite of that, VBS is giving the highest level of education to the rich kids naman kaya walang problema kung mga brats ang mga ito. At hindi ka basta basta makakatransfer sa school na 'to kasi you need to undergo through a lot of process. Tsaka magsisimula ka talaga sa freshmen if you're going to attend here. Katulad ni Mayumi "Yumi" Tan. This year's student council president s***h Queen Bee s***h The gorgeous violinist s***h Ice Queen ng VBS for girls. +++ MEET YUMI... The first day of the year for being a senior. Sa wakas! Sigaw sa isip at napangiting bumangon ako. Masayang-masaya ako dahil isang taon na lang ang gugugulin ko sa high school then I'm free to attend wherever I wanted for college, yun ang sabi ng parents nya. Sa London ang balak ko. Gusto ko kasing makita ang Hogwarts at mameet si Hagrid nang maprove ko nga na matangkad talaga ito. Biro lang. Pero di ako nagbibiro na gusto kong pumunta ng London to attend music school. Isa kasi akong violinist. And you can say, I'm a gifted one pagdating sa instrument na 'to. Two years old pa lang kasi ako ng makita ng parents ko ang hilig ko sa string instrument na 'to kaya Dad enrolled me in music schools. Then nung naghigh school na ako, dito sa VBS na ako inenroll because gusto ni Dad at Mom na magkaroon ako ng normal high school life. Pero as if they care, busy lang talaga ito sa businesses nila at kaya pinasok ako sa boarding school para wala na silang babantayan. Nag-iisang tagapagmana lang naman kasi ako ng pinakamalaking shipping line sa bansa pero kahit one and only child ako, feeling despised pa rin ako. I shrugged the thought. Nasasaktan lang ako pagnaalala ko ang rejections from my parents. "Good morning, beautiful." bati ng room mate ko na si Micah. "Morning Mic, morning She." bati ko naman dito at kay Sheila na room mate ko din, na bagong gising. Naghihikab pa ito at ngumiting tumango ito sa akin. Hindi naman talaga ako super Ice queen pero may trust issues lang talaga ako. At itong dalawa kong room mate, though since freshmen pa kami magkakilala, they didn't really know the true me. I hide it from everybody. May wall ako sa lahat ng taong nakilala ko but this two, stick with me because they had no choice dahil room mate kami at parehong nasa senior year na ngayon. "Tapusin na natin ang araw na 'to at makatulog ulit." sabi ni Sheila na bumangon na at nauna na sa shower. "Tulog queen." napangiti namang tumayo na din sa kama si Micah. Nasa gitna ang kama nito. Ang akin nama'y malapit sa pintuan. I snickered. Tulog talaga ang hobby ni She pero di naman tumataba. Athlete din kasi ito. Lawn tennis ang laro nito. Isa sa pinakamagaling na manlalaro ng VBS. Bumangon na din ako at inayos ang bedsheet ko. Masinop akong tao eh, kaya ang dalawang kasama ko, walang karapatang maging burara. Takot lang nila sa akin. "Plans for today, Pres?" tanong ni Micah. Ahh... lagi ko pala itong kasama kasi sya ang Vice ko sa student council. "I dunno, Mic. Dapat alam mo kung anong meetings natin today dahil ikaw ang vice dito at hindi ako." sabi ko naman. Pataray. Kay aga-aga, eh. Nakita kong namula ito. Napahiya siguro sa tinuran ko. "Eh, sorry. I'll check the sched later." sabi nito na nakita kong napakamot pa sa batok. "You must." sabi kong ginamitan ng ice look ko. Napapitlag naman ito at tumango na lang. I smiled wickedly ng tumalikod ako dito. I like being the boss of everyone. No one can tame me, even my parents can't do that. I'm their spoiled gorgeous daughter anyway. Let's get this party started. Sabi ko sa isip ko at kumuha ng towel sa closet ko then headed to the bathroom. +++ MEET DANI... "Miss Danica Lopez, welcome to Victoria Boarding School. Your father is really a good man." nakangiting bati ng headmistress na nakilala ko sa pangalang Mrs. Angelina Pittsburgh. Ngumiti ako ng alanganin dito. Although genuine naman ang pagbati nito sa akin but I can still see and feel her nervousness sa encounter nila ng Dad ko kanina. Sino ba namang hindi, eh pinagbantaan ba naman ni Dad na kukunin ang share nya sa VBS na mahigit 50 percent kung di ako makakapasok para sa senior year sa school na 'to. Yes, my Dad is a rich man at major stock holder sya ng prestigious boarding school na 'to na for clever and rich kids only. "Thank you, Madam. Pagpasensyahan nyo na po Dad ko. He just wanted to give me a better learning through your school." sincere naman na sabi ko. Sadya yata akong mabait na tao. Medyo narelax naman ito sa sinabi ko. "Okay lang yun Miss Lopez. It's my honor na tanggapin ka sa school namin sapagkat deserving ka naman. You have an impressive grades sa previous school mo sa Baguio. And that's a decent school as well. And you all pass the exams here with an A+ so walang dahilan para di ka namin tanggapin." sabi nito. Nahiya naman ako sa sinabi nya. Pero totoo talaga lahat yun. "Thank you po." I look down while fidgeting my fingers. Hindi kasi ako used sa compliments. Basta ako ginagawa ko lahat ng best ko sa lahat ng bagay. Maliit man o malaking gawain ito. "Tsaka I can see na magiging asset ka din dito Miss Lopez and I sense na mabait ka talagang bata. I'm glad na nakita na ni Mr. Lopez ang bunso nyang anak." nakangiting sabi nito. Tumingin ako dito at tumango. Alam din pala nito ang kwento ng pamilya ko. Who wouldn't know? My family are well known sa business world. Ang pamilya namin ang may-ari ng pinakamalaking geothermal plants sa bansa at may airlines din kami. Yung sinabi naman nyang nahanap na ang bunsong anak, tama yun. I was abducted for ransom 17 years ago. Baby pa ako nun. Kasagsagan na yun ng yaman ng pamilya Lopez then Dad's nemesis planned to kidnap me. Dinala ako sa malayong probinsya ng Baguio City pero naaksidente ang kidnappers ko. Nabangga sa malaking kahoy na malapit sa bahay ng naging Foster parents ko. Niligtas ako ng mag-asawang Ding at Darna (buti nga di si Krystala nilagay ko. Lol), dead on the spot ang mga kidnapper ko. Buti na lang maswerte pa akong nabuhay. Inampon nila ako dahil wala din silang anak, binihisan, tinuring na tunay na anak at pinag-aral sa maayos na paaralan. Nalaman ko na ampon ako nung 12 na ako dahil lagi akong tinutukso ng mga kaklase ko. Hindi daw kasi kami magkamukha nila tatay at nanay. Maputi daw ako, matangos ang ilong, maganda, matangkad at green pa ang kulay ng aking mga mata. Samantalang ang foster parents ko, kayumanggi at pinoy na pinoy ang height at pagmumukha. Sinabi nila sa akin ang totoo ng umuwi akong basag labi dahil nakipagsuntukan ako sa kaklase kong lalakeng tumukso sa akin. May evil side din naman ako kung minsan. Pero over all, I'm a total sweetheart. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero totoo yun. Nahanap ako ni Dad 2 months ago. "Mrs. Blanca, pakiassist naman si Miss Lopez sa dorm room nito at pakitour na rin kung okay lang sayo." sabi nito sa kausap sa phone. "Please come to my office na lang, Gem. Thanks." Tapos binaba na nito ang phone. Maya-maya lang ay may kumatok at pumasok ang isang buntis na babae na maganda pa rin. Tantya ko'y nasa sa mid 20's ang edad nito. "Headmistress?" sabi nito kay Mrs. Pittsburgh. "Ah Gem, sorry nakalimutan ko buntis ka pala. So, pwede pakihatid na lang si Miss Lopez----" "Just call me Dani, ma'am." interrupt ko naman dito. Miss Lopez kasi ito ng Miss Lopez, nakakarindi na yung apelyido ko. Tumaas naman ang kilay nito at maya-maya'y nagsalita ulit. "Okay, Dani. Such a masculine name for a beautiful girl." si Headmistress ulit. "May foster parents used to call me that. I don't want to change it." seryosong sabi ko. Para naman itong nataranta sa change of mood ko. "Ay maganda naman. Hehe. S-sige Gem pakihatid na lang si Dani sa dorm room nya at makiusap ka na lang sa room mate nya na i-tour sya." nag-alangan namang ngumiti ito sa akin. Ngumiti uli ako. In a friendly way. Hindi ko naman sinasadyang takutin ito. Tsk, ganito pala kaimpluwensya si Dad. "Tayo na po." sabi naman ng hindi ding mapakaling buntis. Ngumiti naman ako dito at tumango. A kind of smile reassuring them na wala silang dapat ikatakot. Parang nagets naman nila ako at ngumiti na din ang mga ito in a comfortable way. "Let's go, ma'am. Thank you, headmistress." sabi ko muna at tuluyan ng lumabas sa office nito, bitbit ang Jansport backpack ko at maleta. Bago lahat ng damit at gamit ko, binili ni Dad. Tsaka na lang daw nya isusunod yung ibang gamit ko. Eh kung ako lang, kuntento na ako sa dala ko pero mapilit ito. Pambawi nya daw sa mga taong nawala ako sa kanya. He will spoil me till he wants to, sabi pa nya. Pero hindi naman ako ganun. Hindi talaga ako materialistic na tao. Dahil siguro ganun din ako pinalaki ng foster parents ko. During the walk to the Dormitory natanaw kong malaki talaga ang VBS. Ang mga rooms naman na nadaanan namin ay pinangalanan ni Ma'am Gem. May music room, gym, gaming room, classrooms at marami pang building at rooms. Pinagtitinginan naman kami ng mga ilang estudyante na nasa hallway at field. I smiled to them and they smiled back. Hmm so far, friendly naman ang mga rich kids dito. Nakasuot din ang mga ito ng suot kong uniform. Maroon blazer na may logo ng VBS, white long button sleeves na may maroon tie, skirt na Dark Blue ang kulay na above the knee at boots. Gustong-gusto ko ang uniform. Class at girly masyado. Lumabas pa lalo ang ganda ng mga rich kids. Pero kahit na probinsyana ako, di naman ako papatalo. Dumating kami sa tapat ng dorm room. Binasa ko sa isip ko ang numerong nakalagay sa taas ng pintuan, 220 ang nakalagay dito. Tapos bumaba ang tingin ko sa poster na nakakabit dito. "Welcome to Mara and Clara's Laire." I read aloud. Wow ha? Pangteleserye ang echos dito. At may random pictures pa ng parang kambal na cute girls. "Sila ang room mate mo, Dani." sabi naman ng buntis at kumatok ng tatlong beses. Binuksan ito ng cute na dilag. I can't help to scan her features. Maayos na nakaponytail ang maitim na mahabang buhok nito. Black brown eyes, matangos ang maliit na ilong na nakakabit ang bagay na nerdy glasses nito. Overall maganda ang babae. Poker face nga lang itong nakatingin sa amin. Mukhang suplada. "Mara, ito si Dani, bagong student. She's your room mate." pagpapakilala sa amin ni Ma'am Gem. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis dito at ito nama'y walang pagbabago sa facial expression. Na-intimidate tuloy ako. Baka matapobre ito. "And can you do me favor, Mara?" tumaas naman ang kilay ni Mara na tumingin sa teacher pero hindi nagsalita. "Pakitour naman sya, oh. You see, buntis kasi ako kaya medyo hindi magandang mapagod ako masyado." umaasam namang sabi ni Ma'am Gem. Tsaka naman napabuga si Mara ng hangin sa bibig. Mahina pero malalim. "Okay." sabi nito. Ay, matipid sa words? Patay, medyo madaldal pa naman ako. Ngumiti naman ang buntis at nagpaalam na. Ngumiti naman ako. Nilakihan ni Mara ang bukas ng pinto and gesture her hand for me to come in. Tumalima naman ako. "Bed mo ang nasa gitna. Mine was with the black bedsheet. Yang purple naman sa kambal kong si Clara. May one rule lang kami dito, no borrowing of things." tumango lang ako at pinatong ang maleta't backpack ko sa kamang tinuro nya sa akin. I scan the place and it was impressive. Para itong apartment. May cr sa loob, 3 closets, study table at mini-sofa. "So, I'll tour you na. I have a class in an hour, let's go." utos nito at mabilis na lumabas ng kwarto. Ay, ang unfriendly naman. Hinihingal naman akong sumunod dito. Ang bilis kasi nitong maglakad. Wala naman akong choice kundi ang sumunod. Nagsasalita lang si Mara pag may mga rooms o area syang pinapangalanan. Napansin kong aloof ito at hindi talaga palasalita. Nag-alangan naman ako dito but I manage to be friendly kahit pa nga visible ang pagkadisgusto nito sa pagtotour sa akin. Marami-rami na ding mga estudyante ang nasa labas kaya naman kung may time ako nagwewave ako sa kanila at ngumingiti. Hindi plastikan, friendly lang talaga kasi ako. Then lumiko ng mabilis si Mara sa isang hall at napatakbong lakad naman na napasunod ako kaya di ko napansin na may mababangga pala ako sa intersection. "What the hell are you doing? Are you blind?" sigaw ng babaeng nabangga ko. "Hala. Sorry, Miss." sabi ko namang napayakap dito for support. Malapit na kasi akong mamudmod sa sahig sa lakas ng impact ng banggaan namin. Ganun din ito. "Damn! You should watch where you're going, b***h!" galit pa rin na sabi nito. Tsaka naman ako napatitig sa mukha nito. At natigilan ako dahil para akong nakakita ng intsik na anghel. Ang ganda nya. Sabi ko sa isip ko. I didn't realize na nakanganga na pala akong nakatingin sa magandang chinita. Tsaka infairness ang bango nito at ang flawless ng mukha nya. Bagay na bagay ang mahabang brown straight hair with bangs, brown eyes, matangos na ilong at pink lips nito sa magandang mukha. At parang magkaheight lang kami, I think nasa 5'7" din ito. Kumabog bigla ang dibdib ko ng makita kong nakatingin din ito ng mataimtim sa akin. Our bodies are pressing together dahil magkayap nga kami. I felt hot by the moment. Anong nangyayari sa akin? Why am I feeling this way? Nagkatitigan muna kami ng matagal bago ito nagsalita sa mahina at mas kalmang tono. "B-bitiwan mo ako." napalunok na sabi nito. Bigla ko namang narealize ang position namin at agad na nabitiwan ito sa medyo harsh way. "S-sorry talaga, miss. H-hindi ko sinasadya." Why am I stuttering? Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit natataranta ako sa harap ng estrangherang chinita na 'to. She didn't answer but instead, she gave me a death glare. Napaatras naman ako sa impact ng titig nito. Wow! Kung nakakamatay lang ang tingin, matagal na akong naglupasay. She gave me another of that look of hers at naglakad na ito passing me na sinundan naman ng dalawang kasamahan nito na ngayon ko lang napansin. Napatingin na lang ako sa likod ng papalayong chinita. Wow! Nice ass! Eh? Ano ba Dani? Kailan ka lang naging ganyan? Lagot ka kay Marco pagnalaman nyang nagiging pervert ka sa iba at sa babae pa talaga. I shook my head at the thought. Straight kaya ako, may boyfriend ako. May boyfriend. Okay? "Maswerte ka Dani at pinalampas ka pa nun. Siguro busy lang si Yumi kaya walang time to kill you." sabi naman ni Mara na nakalapit na pala sa akin. Ngayon ko lang din napansin na pinagtitinginan pala kami ng mga estudyanteng nasa hall. Anyare? "Sino ba yun?" Curious kong tanong. Base sa pagsasalita ni Mara at mga estudyanteng parang mga bubuyog na nagbubulungan, that girl is somewhat like famous in this school. "That was Mayumi Tan. The Student Council President s***h Queen Bee s***h The gorgeous violinist s***h The Ice Queen." sabi ni Mara. Akala ko nagbibiro lang ito at nag-eexaggerate pero base sa mukha nitong may worried look, napagtanto kong totoo ang sinasabi nito. "Ice queen? Hindi ba sa Narnia lang yun?" pagjojoke ko. At tumawa ng mahina pero ang totoo ninenerbyos din ako sa sinabi nito. "Uh-huh. If I were you, I'll take this as a serious threat because girl," at tinuro nito ang direksyon na pinuntahan nila Mayumi kanina, "Don't know how to joke. Kung pinalampas ka nya ngayon, you will not get lucky next time. Kaya magtago ka at huwag magpapakita sa kanya hanggang sa kaya mo." sabi ni Mara at naglakad na ulit pabalik sa dinaanan namin kanina. Pinagbabantaan nya ba ako? Dahil kung oo, effective ang pagbabantang yun! Tumayo balahibo ko sa kamay sa sinabi nito. Natigilan ako sa kinatatayuan. Serious threat? Napabuntong hininga ako ng malalim. Isang desisyon ang pumasok sa isipan ko. I'll make friends with her. Sabi ko sa isip ko. Yes, yun ang best option. Hindi dahil sa natatakot akong gantihan nya ako pero when I look to her eyes, I saw something na hindi ko maintindihan but if she will give me a chance, makikipagkaibigan ako kay Mayumi. Binalik ko ang ngiti ko sa labi tsaka patakbong sumunod kay Mara.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
132.7K
bc

A Night With My Professor

read
497.1K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.7K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.3K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

The ex-girlfriend

read
138.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook